10 April 2010

Dekada '80



Naaalala mo pa ba?
High school pa ako nun, early '80's
"Ninoy di ka nag-iisa" ang maririnig mo sa masa
Me tshirt pa nga ako, "I stopped a tank at EDSA"...
Nakisigaw (hanggang mamalat) sa casts ng "Bagets"....
Aga Muhlach, Herbert Bautista, JC Bonin, William Martinez, etc.
Ang pantalon, ok lang mahaba..itutupi pa nang pabalik,
Or lalagyan ng perdibleng napakarami...
Uso kasi. punk style...
Di pwedeng walang spraynet ang hair...
Naka mini skirt na maong, hi-cut na rubber shoes..
Aba, "in" ka nun.
Marinig mo lang sa radyo ang "Together Forever" ni Rick Astley,
Mapapasayaw ka...
Or di kaya.."Wake me up before you go go" ng Wham.
Di pa uso ang cd, cassette tapes at LP's pa.
Minus one pa ang gamit pag nagkakantahan.
Enjoy din sa panonood ng betamax.
Sa bag, andun ang pocket book na Mills & Boons... mga nakakakilig na love stories.
'Yung crush mo ng high school?
Todo pa-cute ka, di ka naman lingunin
'Yung atat naman sa'yo...ayaw mo ding pansinin.
Di ka na naman makaiwas pag nahuli ka at i-handcuff for "instant wedding" sa booth pag Foundation day.
'Yung suitor?
Naranasan ko naman yung haranahin...
Kunwari tulog ako, pero nakasilip sa pagitan ng bintana.
Hay...nakakatuwa palang balikan sa isip.
Ang JS Prom me combo pa. Hindi pa "banda" ang tawag dun.
Usong-uso ang loveteam ni Sharon at Gabby.
Tinitipid ko allowance, para me pambili ng Kislap magazine.
Makapag clippings lang ng paboritong artista.
Hindi pa uso ang internet noon. Love letters ang iaabot sa'yo.
Minsan, me kasama pang chocolates or flowers.
Wala pang cellfone. tatlong .25 cents ihuhulog mo sa kulay red na pay phone.
Di pa uso text messages...pager lang...pwede na ring mag- LYF (luv you forever) sa bf/gf.
Favorite show ko pa noon, Sunday Funday, si Janice at Aga hosts..
Napupuyat din ako kakatype ng thesis papers...sideline.
Sayang eh, pang-allowance din.
Di pa kasi uso yung computer-typed.
Typewriter lang katalo na.
Halos 30 years ago na pala ang lumipas.
Andami nang nagbago...
Iba na siguro ang uso after a decade...
Masarap din namang me naaalala ka...
Nakakapangiti..
Balang araw, meron akong ikukwento sa mga anak ko.
Baka tawanan na lang ng magiging apo ko ang iphone, ipad, wii or blu-ray discs
Kaya, sige lang...
Namnamin natin ang ating panahon...
Balikan mo minsan ang nakaraan...at masasabi mong...
"Ambilis talaga ng panahon....ang isang libo, para na lang piso"
Di ba?



2 comments:

rouel said...

I love the 80's, it's the most colorful decade of the century.

butterfly said...

thanks rouel. you said it right...'80s is the best.