27 August 2010

TGIF #18: something i wrote



i was browsing at my friendster page one night and found this short journal which i wrote last year. i didn't even remember i posted it.
i'm hooked on facebook now. for my personal record, i'm posting it here. it's written in tagalog though (my native language). i will also try to remember what happened this year, as comparison.

1.)


feb. 9, 2010

Martes. isang ordinaryong araw na naman. isang taon na at isang buwan ang baby girl ko. ambilis na nyang lumakad. me pasok ang baby boy ko. sobrang lamig.

2.)

feb. 10, 2010

Miyerkoles. Malamig pa rin dahil winter season. Birthday nga pala ni kumpareng bullets. Nag message ako sa kanya sa facebook para mag greet.

3.)

feb. 11, 2010

Huwebes. Merong meeting ang baby boy ko sa school, 5pm. Grade 3 na sya. alas singko ang meeting, ayon sa calendar book ko. Katulad ng teacher-parents' meeting na naranasan ko. Kanya-kanyang opinion ang mga magulang. Nakikinig lang ako. Umaayon sa magandang idea. No comment pag merong medyo nagtatalo na sa opinyon. Bigayan din ng card para sa 1st grading. Proud pa rin ako sa anak ko. wala syang grade na 6. halos 7-8-9 sa mga subjects nya.


4.)


feb. 12, 2010

Biyernes. Maaga kong inihatid ang baby boy ko sa school nya. Halos 5 minutes lang naman ang lakad mula sa bahay hanggang sa school nya. dito lang sa me kanto. Iniwan ko na lang baby girl ko sa bahay. malamig kasi. meron namang tao sa bahay. pinsan ng asawa ko, nakisuyo lang na bantayan habang tulog. 10am, iginayak ko na baby girl ko. meron akong trabaho tuwing biyernes, 1-4pm. sayang din ang kita. ihahabilin ko ang anak ko muna sa nanay ko, tutal sya naman ang half day lang. Ganun lang ang buhay ng may mga anak sa abroad. Either ihabilin mo sa mga kamag-anak, o ibayad mo ng taga-alaga. magastos ang babysitter. Kaya madalas pag walang choice ang magulang, ipinadadala ang mga anak sa 'Pinas. Pinanindigan ko nang dito lumaki ang mga bata sa piling ko. Mahirap pero kinakaya naman. Lahat ng problema, me solusyon.

5.)
ang bawa't oras, karanasan, ginawa o nangyari pala sa ating buhay, pag pwede mong balikan, madali lang. kung masipag ka lang isulat, kahit sa isang salita, pangungusap o maikling kwento, pwede mong maalala, balikan at ngitian.

No comments: