03 September 2010

TGIF: #19: something sweet






oh, kendi!

hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng kabataan natin. mga makukulay, mababango (although minsan may maantot), at masasarap na kending lalong nagpasaya sa'tin at insang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ipin na dulot nito. balikan natin ang lima (na natikman ko) sa mga kending namayagpag at pumukaw sa mga puso at tastebuds namin nung panahon ko.m




1. LIPPS - ang kendi ng mga batang malalandi, hahaha. cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl (ayun sa pakilasa ko yan ha, mapait kasi) at sandamakmak na pulang food coloring. sobrang makulay sa bibig, kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya dugo effect sa larong aswang-aswangan. simple lang ang wrapper, kulay puti at pula tapos nakalagay lipps. kami ay tuwang-tuwa ng mga kalaro ko pag naglalaro ng bahay-bahayan, at bihis-bihisan, habang ngumunguya ng lipps. maya-maya, papulahan na ng dila at nguso.


2. WHITE RABBIT - dalawa kase ang klase ng kending white rabbit, may tinatawag na local at imported. kulay puti at super milking nougat naman yung imported. at bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper nya eto ang pinaka pambato ng white rabbit imported, ang kanyang inner wrapper na pwedeng kainin. dati parang ayokong kainin, baka kako hindi matunaw at hindi ako madumi, o sasakit ang tyan ko. pinauuna ko muna mga kalaro ko..buhay pa naman sila. so nakikain na rin ako ng inner wrapper.


3. TOOTSIE ROLL - medyo high school na ako nung sumikat eto. caramel candy ang tootsie roll na kasing haba ng mongol na makatatlong beses ng tinasahan. bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay pwede din syang itapal sa ngipin para magmukang bungal at yun ang pinakamasayang purpose ng tootsie roll. kahit malagkit at dumidikit sa ipin, sige pa rin ang bili at nguya ng tootsie.


4. CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat! sya ang pinakasikat na kendi (o kung anumang tawag sa klase nya) sa balat ng pilipinas. gawa sa natuyong peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa na binalot sa palara. all time favorite ng panghimagas o pampalipas oras. chocnut is simply the best (naks! parang HBO)?

5. Kending Limon (parang ganon, pwede ding di-limon o kung ano pa, pwedeng ito din ang kending hubo) Parang beachball ang hitsura nito, kulay dilaw. 5 piraso ang mabibili ng 5 centavos mo noong 1970's sa aking paboritong sari-sari store, dun ke Aling Sayong sa kanto namin. Nakalagay pa sa pinaikot na papel, dahil hindi ko naman kayang hawakan ang lima sa aking kamay. padamihan kami ng maubos, hanggang magasgas ang mga dila. ang babaw talaga.

nakakamiss talaga mga kending 'yan. for sure, sa panahon ngayon, wala nang lima singko na kendi.

3 comments:

May said...

hahahaha...kakatuwa nga mare no, ako ave ko rin yan mga kendis mo.. tapos may snowbear pa..hahaha.. hay memories.. :)

May said...

ay ano ba yan... 'fave' yan 'ave' na tuloy.. hahaha.. ang letter F ko biglang nawala dito sa keyboard.. :P

butterfly said...

hahaha. ok lang mare ang typos. yeah, andami pang candies nung time natin...teka medyo ahead ako sa'yo, hahaha. meron pang Kendi Mint at Butterball. di ko alam ano yung tawag dun sa bilog-bilog na gums na iba-ibang kulay hahaha. nakakasakit ng ipin yun. pero bili ako nang bili.